Valenzuela PNP, nagsagawa ng pagsasanay sa mga tauhan sa paghawak ng baril

165

Isinagawa ng tanggapan ng Valenzuela City Police Station ang “Modified Handgun Marksmanship Training” sa mga tauhan nito.

Personal itong dinaluhan nina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, PCol. Salvador Destura Jr., PLt. Col. Freddie Webb Mercado at PCapt. Arnold San Juan.

 

Layunin ng aktibidad ay para makita ang kahuyasan ng mga tauhan ng Valenzuela Police sa paghawak ng mga makabagong baril.


Paraan din ito upang madagdagan ang kaalaman ng mga pulis at para muli rin nilang maalala ang kahalagahan nito.

Bukod sa training ng mga pulis, sumalang din sila sa ilang lecture kung saan muling ipinapaalala sa kanila ang pagiging responsable sa paghawak ng baril at kung para saan ito dapat gamitin.

Facebook Comments