Implikasyon ng notices of award ng COMELEC sa suppliers, pinag-aaralan sa harap ng pagpupursige ng Kongreso na maipagpaliban ang Barangay at SK elections

Pinag-aaralan na ng Commission on Election (COMELEC) ang implikasyon ng kanilang notices of award sa suppliers ng election materials

Sa harap ito ng pagpupursige ng Kongreso na ma-postpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, kabilang sa kanilang pinangangambahan ay ang posibleng demanda na kaharapin ng poll body.


Aniya, maari kasing makuwestiyon ang ligalidad ng kanilang pagbili sakaling mag-deliver na ang kanilang suppliers.

Bukod dito, kailangan ding amyendahan ng COMELEC at ng National Printing Office ang kanilang kasunduan sa pag-imprenta ng mga balota.

Partikular ang petsa ng pag-print ng mga balota at ang hinggil sa warehouse na paglalagakan ng mga balota.

Umaasa rin ang komisyon na bago matapos ang buwang kasalukuyan ay makakapagpalabas na ng pinal na version ang Bicameral Conference Committee sa panukalang pagpapaliban sa Barangay at SK elections.

Sa kabila nito, tiniyak ni Garcia na nakahanda ang COMELEC sakaling matuloy ang halalan sa December 5.

Facebook Comments