Bagyong Karding, lalo pang lumakas at posibleng maging super typhoon bago mag-landfall sa Aurora o Quezon mamayang gabi

808

Lalo pang lumakas ang Bagyong “Karding” habang kumikilos pa-kanluran timog-kanluran.

Huling namataan ang bagyo sa layong 285 kilometers East ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 190 kilometers per hour.


Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:

 Central at southern portions ng Aurora (Dingalan, San Luis, Baler)
 Extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang ang Polillo Islands
 Eastern portion ng Nueva Ecija (Gapan City, Bongabon, Gabaldon, Laur, General Tinio, Palayan City, Santa Rosa, Peñaranda, Cabanatuan City, San Leonardo)
 Eastern portion ng Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad, Angat, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel)
 Northern portion ng Rizal (Rodriguez, Tanay)
 Northern portion ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga)

Signal No. 2 naman sa:



 Southern portion of Isabela (Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones)
 Quirino
 Nueva Vizcaya
 Benguet
 La Union
 Pangasinan
 Zambales
 Bataan
 Tarlac
 Pampanga
 Nalalabing bahagi ng Bulacan
 Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
 Nalalabing bahagi ng Aurora
 Metro manila
 Cavite
 Batangas
 Laguna
 Natitirang bahagi ng Rizal
 Northern at central portions of Quezon (Mauban, Calauag, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Pitogo, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista)
 Nalalabing bahagi ng Camarines Norte
 Northern portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Pamplona, Pasacao, San Fernando, Pili, Minalabac, Ocampo, Tigaon, Cabusao, Magarao, Gainza, Canaman, Camaligan, Milaor, Naga City, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagñay)
 Catanduanes

At Signal No. 1 sa:

 Southern portion of Cagayan (Tuao, Solana, Enrile, Tuguegarao City, Iguig, Peñablanca)
 Nalalabing bahagi ng Isabela
 Southern portion of Apayao (Conner)
 Kalinga
 Abra
 Mountain province
 Ifugao
 Southern portion of Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos)
 Ilocos sur
 Nalalabing bahagi ng Quezon province
 Northern portion of Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz) kabilang ang Lubang Islands
 Northern portion of Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan)
 Marinduque
 Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
 Albay
 Sorsogon
 Burias island
 Ticao island

Ayon sa PAGASA, posible pang lumakas ang Bagyong Karding at maging super typhoon bago mag-landfall sa bahagi ng Aurora o Quezon mamayang gabi.

Dahil dito, ilang lugar ang maaari pang itaas sa Wind Signal No. 5.

Hindi rin isinasantabi ng PAGASA ang posibleng mas maagang pag-landfall o paglapit ng bagyo sa bisinidad ng Polillo Island.

Inaasahang hihina ang bagyo pagka-landfall sa gabi hanggang bukas ng umaga pero mataas ang tiyansang manatili itong bagyo habang tumatawid ng kalupaan ng Luzon.

Abangan ang susunod na Tropical Cyclone Wind Bulletin ng PAGASA mamayang alas-8:00 ng umaga.

Facebook Comments