Implimentasyon sa Libreng Edukasyon sa Kolehiyo, ‘Di Maganda Ayon kay Cong. Salvador Belaro Jr.!

*Cauayan City, Isabela-* Iginiit ni Congressman Salvador Belaro Jr. ng Una ang Edukasyon Party List at Chairman ng Technical Education na hindi umano maganda ang implementasyon ng batas para sa libreng edukasyon sa kolehiyo dito sa bansa.

Nakakalungkot aniya na may batas para sa libreng edukasyon para sa lahat ng estudyante na papasok sa kolehiyo ngunit lumalabas na limitado lamang ito para sa mga State Universities and Colleges (SUC’s).

Ito ay sa kabila na ang nais ng batas ay para sa pribado at pampublikong paaralan dahil sa may alokasyon naman umanong 40 Bilyong pisong pondo ang gobyerno kada taon para sa free college education ngunit wala pang pinapalabas na regulasyon ang Commission on Higher Education (CHED) hinggil dito.


Ganunpaman, umaasa si Congressman Belaro Jr. na mailalagay sa tamang kalakaran ang sistema ng edukasyon dahil sa mas marami umano ang mahihirap na estudyante sa bansa.

Samantala, dumalaw kahapon sa rehiyon dos ang kongresista para sa mga konsultasyon sa mga unibersidad hinggil sa pagtanggal ng supreme court sa asignaturang Pilipino at Panitikan sa curriculum ng kolehiyo at ang hinggil sa free college education na siya namang may akda dito.

Facebook Comments