Impormasyon hinggil sa walong iba pang PDL na namatay sa COVID-19 sa Bilibid, isasapubliko pagkatapos ng imbestigasyon ng NBI

Nais ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tapusin muna ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) bago isapubliko ang mga impormasyon ng walong iba pang high-profile inmates na namatay sa COVID-19 sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Secretary Guevarra na kasama sa magiging sentro ng imbestigasyon ng NBI ang tunay na ikinamatay ni Jaybee Sebastian at ng 8 iba pang high-profile inmates.

Samantala, sinang-ayunan ni Sec. Guevarra ang pahayag ni National Privacy Commissioner Mon Liboro na hindi maaaring gamiting pananggalang ang Data Privacy Law para pagkaitan ng impormasyon ang publiko lalo na’t national issue ang kinasangkutan ni Sebastian.


Una nang ikinatwiran ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na dahil sa Data Privacy Law ay hindi niya isinapubliko ang pagkamatay ng grupo ni Jaybee Sebastian sa COVID-19.

Facebook Comments