Impormasyon patungkol sa top 10 most wanted person sa bansa, ikakalat ng PNP matapos ang pagkakahuli kay dating Congressman Ruben Ecleo

Ipapakalat muli ng Philippine National Police (PNP) ang mga larawan at impormasyon tungkol sa top 10 most wanted sa bansa para mapabilis ang pagdakip sa mga ito.

Sinabi ito ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa matapos ang pagkakaaresto kahapon kay dating Congressman Ruben Ecleo na kabilang sa most wanted ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na may patong sa ulo na dalawang milyong piso.

Ayon kay Gamboa, may pabuya rin na nakalaan para sa ikadarakip ng mga nasa top 10 most wanted at target nilang malinis ang listahan sa lalong madaling panahon.


Aminado naman si Gamboa na posibleng may mali sa sistema ng PNP kaya inabot ng 14 na taon bago nahuli si Ecleo.

Iimbestigahan aniya nila kung paano malayang nakakakilos si Ecleo na nakakapag-golf pa sa kabila na most wanted person ito.

Pero, pinuri ni Gamboa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa matagumpay na pagkakahuli kay Ecleo sa Pampangga, kahapon.

Facebook Comments