Bumaba na ang inaangkat na asin sa bansa ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ito’y kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tutukan ang salt industry sa bansa, at paglaanan ito ng pondo.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera, na nasa 84% na na lamang ang ini-import na asin sa bansa, mula sa dating 90%
Habang tumaas din sa 16% ang lokal na produksyon ng asin.
Matatandaang kamakailan lamang ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Philippine Salt Industry Development Act o RA 11985, kung saan bubuo ng “Salt Council” ang pamahalaan upang matiyak na iisa ang pagpapatupad ng salt roadmap, at mapabilis ang modernisasyon at industriyalisasyon ng salt industry.
Welcome naman sa BFAR ang pagsasabatas ng RA 11985 na magtatakda ng malinaw na polisiya at direksyon sa produksyon ng asin.