Tataasan pa ngayong taon ang importasyon ng baboy sa Pilipinas.
Ito ay kinumpirma ng UN-Food and Agriculture Organization (FAO) kung saan dadagdagan ng 2.71% kada taon ang pag-angkat ng karne para mapunan ang 340,000 metriko toneladang pagkalugi.
Ayon sa FAO, nakikita kasi nila na posibleng bumaba sa 3% o 341,000 tons ang produksyon ng baboy bunsod ng epekto ng African Swine Fever o ASF.
Batay sa kanilang huling datos, aabot na sa 1.531 mmt ang total pig utilization sa bansa mula 1.518 mmt.
Facebook Comments