Hindi inaalis ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang posibilidad na mayroon ding “tongpats” sa importasyon ng karne ng manok o poultry products tulad ng tongpats sa inaangkat na karne ng baboy.
Batayan ni Lacson ay ang report ng China ukol sa dami ng poultry products na ini-export nito sa Pilipinas na iba sa record ng Bureau of Customs (BOC) sa magkaparehong panahon.
Ayon kay Lacson, base sa record ay kalahati lang ang nakadeklara sa BOC at nagpapakita ito na maaaring may nangyayaring under-declaration o kaya ay smuggling.
Binanggit pa ni Lacson na ang pagbaha sa merkado ng imported na frozen chicken ay indikasyon din na mayroon ditong katiwalian.
Facebook Comments