Cainta, Rizal – Nakumpiska ng mga tauhan ng Calabarzon PNP ang mahigit dalawang milyong halaga ng imported marijuana at shabu sa kanilang isinagawang buy bust operation sa isang parking lot sa Barangay San Isidro Cainta, Rizal kaninang madaling araw.
Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar alas-12:45 ng madaling araw kanina nang isagawa ang buy-bust operation.
Nakuha ang isang malaking plastic sachet ng shabu na aabot sa 250 gramo at may street value na 1,250,000 at isang kilo ng imported marijuana o kilala sa tawag na “Kush” na may street value na 1,500,000.
Naaresto rin sa buy bust operation sina Laika Camille San Pedro at kasabwat nyang si Maria Cecia Baylon.
Sa ulat ng PNP si Maria Cecia Baylon ay asawa ni Evan Baylon habang si Laika Vera San Pedro ay asawa ni Jester Vera.
Sina Evan Baylon at Jester Vera y nakakulong sa Metro Manila District Jail kasama si Antonio Cisneros na utak sa pagbebenta ng iligal na droga sa Metro Manila at kalapit probinsya.
Si Cisneros ay naaresto noong taong 2016 matapos makuhaan ng mga ibat ibang klase ng party drugs at 40,000 cash nang salakayin ang condominium sa Taguig.
Sinabi pa ni Eleazar na batay sa intelligence report, ang mga nakuhang shabu at imported marijuna sa mga naaresto sa buy-bust operation ay mula sa abroad.