Hindi umano dumaan sa public consultation ang proyekto ang itinatayo sa dalampasigang sakop ng Lingayen Gulf. Ito ang naging pahayag ng ilang mga residente at negosyante sa Pangapisan Norte nitong sabado, kung saan ay nag-tipon ang mga ito upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa nasabing proyekto.
Ayon sa mga nagsalitang residente at negosyante, wala umanong nakapaskil na anumang detalye hinggil sa nasabing proyekto. Nangangamba din umano ang mga ito sa maaaring disgrasya na dulot nito sa mga batang naglalaro sa mga concrete barriers na nakalagay doon. Bukod pa rito ang maaari umanong epekto sa kanilang kabuhayan lalo na ng mga mangingisda.
Ang kanila umanong naging protesta noong sabado ay umpisa na ng kanilang pakikibaka upang tutulan ang nasabing proyekto na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalikasan, kabuhayan at turismo.
Sa ngayon ay balak ng mga residente at negosyante na kausapin ang provincial government at lokal na pamahalaan ng Lingayen upang idulog ang kanilang saloobin hinggil sa proyekto. |ifmnews
Facebook Comments