Improvement sa RFID system, magigiing susi para maibalik ang business permit ng NLEX sa Valenzuela City

Agad maibabalik ang business permit ng NLEX sa land area ng Valenzuela City kapag naisaayos na ang Radio-Frequency Identification (RFID) system.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, walang deadline at nasa NLEX na kung mabilis nilang makaka-aksyon ang problema at mabilis din maibabalik ang kanilang business permit.

Kabilang sa mga hinahanap na kwalipikasyon ng Valenzuela Local Government Unit (LGU) para maialis na ang suspensyon sa toll plaza ay dapat 98% na nababasa ng sensor ang mga RFID sticker para matigil na ang atras abante.


Dapat maayos din ang loading system kung saan maraming nawawalan ng load sa RFID.

At huli dapat magkaroon ng ugnayan sa pagitan ng NLEX at Valenzuela LGU.

Bukas, inaasahan magkakaroon ng meeting ang NLEX at si Mayor Gatchalian.

Pero paglilinaw ng alkalde, ito ay para pag-usapan lang ang nasabing problema at hindi nangangahulugan na ibabalik na ang operasyon ng NLEX sa Valenzuela City.

Samantala, tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko sa anim na toll plaza sa Valenzuela at libreng nakakadaan ang mga motorista.

Facebook Comments