IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE, NAREKOBER SA CAGAYAN

Cauayan City – Matagumpay na narekober ng 95th Infantry Battalion, Gonzaga Police Station, at 203rd Maneuver Company ang mga kagamitang pampasabog sa Sitio, Tagkar, Barangay Isca, Gonzaga, Cagayan.

Kabilang sa mga nakumpiska ang 38 na yunit ng Improvised Explosive Device (IED), apat na Improvised Blasting Machine, limang Remote Controllers, at limang metrong stranded wire.

Ayon sa 5th Infantry “Star” Division ng Philippine Army, ang operasyon ay nagtagumpay dahil sa suporta at pakikipagtulungan ng mga mamamayan laban sa komunistang teroristang grupo sa probinsya.


Patuloy na hinihikayat ng mga otoridad ang kooperasyon ng publiko upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Samantala, napasakamay na sa mga otoridad ang mga gamit pampasabog para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments