IMPROVISED SHOTGUN NASAMSAM SA LALAKI SA UMINGAN

Arestado ang isang 50-anyos na lalaki sa Umingan, Pangasinan sa pagpapatupad ng search warrant kagabi, Nobyembre 26, 2025.

Isinagawa ng Umingan Police, sa koordinasyon ng PDEA RO1, ang search warrant para sa paglabag sa RA 9165 na inisyu ng RTC Branch 52, Tayug.

Nasamsam sa operasyon ang isang improvised shotgun, tatlong bala, at isang black pouch.

Isinagawa ang inventory at marking ng ebidensya onsite kasama ang mandatory witnesses.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Umingan Police ang suspek para sa kaukulang proseso.

Facebook Comments