Manila, Philippines – Nagbabala ang mga kongresista ng Magnificent 7 kaugnay sa pangunguna ng Pilipinas sa 69 na bansa sa may pinakamataas na impunity index.
Nakakuha ng 75.6 na puntos ang Pilipinas sa mga bansang may higher impunity index sa buong mundo.
Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, lalo pang lala ang impunity sa bansa kung hindi hahanap ang gobyerno ng alternatibong programa para labanan ang iligal na droga at krimen.
Hindi naman nasorpresa si Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa record ng bansa dahil mismong ang gobyernong Duterte ang nagsusulong at nagdudulot ng impunity dahil sa mga polisiyang ipinapatupad nito.
Sinabi naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano na asahan na ang mas marami pang kaso ng pagpatay partikular sa mga pinaghihinalaang drug suspects.
Para naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin, ang buong mundo na ang naghayag na hindi masaya sa Pilipinas dahil naging killing field na ito sa buong Asya na itinuturing pa naman na nagiisang Katolikong bansa sa kontinente.