Manila, Philippines – Imumungkahi na ng National Food Authority sa NFA Council na aprubahan na ng mas maaga ang importasyon ng karagdagang bigas.
Ayon kay NFA Director Rex Estoperez ,dapat masimulan na ang proseso ng importasyon lalupat inaasahan na may paparating pang mga bagyo.
Isa pa sa dahilan para mag angkat ng mas maaga ng bigas ay dahil sa pagkasira ng mga agricultural products sa pagdaan ni bagyong Ompong.
Sa ngayon, sinabi pa ni Estoperez na sapat pa ang stocks ng NFA sa buong Luzon, kung saan mayroon pang 840 libong bags sa kanilang mga warehouse.
May ipapadala pang karagdagang supply na 155 libong bags ang nfa sa Region 2 mula sa Subic pero hindi pa magagawa ito ngayon dahil mabagal pa rin ang unloading ng bigas sa barko dahil sa mga pag ulan o sama ng panahon.
Kaya ang ibang supply para sa Region 2 ay kinukuha muna sa mga warehouse ng NFA sa National Capital Region.