Nagsimula na ang pamahalaan sa pagsasagawa ng in-country relocation sa mga Pilipino sa Ukraine.
Sinabi ito ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa panayam ng RMN Manila kung saan nasa tatlong batches na ng mga Pilipino ang inilipat sa lugar na 400 kilometro ang layo nito sa Kiev na siyang kabisera ng Ukraine.
Bagama’t nagdeklara ang Ukraine ng state of emergency ay sinabi ni Cacdac na tila normal pa rin ang pamumuhay sa Kiev kung saan namamalagi ang karamihan sa halos 400 Pilipinong namamalagi sa Ukraine.
Iginiit naman nito na hindi pa napapanahon ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdeklara ng Alert Level 4 sa naturang bansa na magdudulot ng mandatory repatriation sa mga Pilipino roon.
Sa ngayon, nasa pito na ang mga Pilipino ang nag-avail ng libreng commercial flight ng DFA pauwi ng bansa.