Malakihang giyera sa Europe, posibleng simulan anumang oras ng Russia

523

Naniniwala si Ukrainan President Volodymyr Zelensky na posibleng magsimula ang Russia ng isang ‘major war’ sa Europe anumang oras.

Ito ay matapos mag-anunsyo si Russian President Vladimir Putin ng ‘military operation’ sa bansang Ukraine kung saan handa itong gumanti sa kung sinong makikialam sa tensyon ng dalawang bansa.

Dahil dito, umapela na si United Nations Secretary-General Antonio Guterres kay Russian President Vladimir Putin na itigil na ang pagsalakay ng russian military troops sa Ukraine.


Sabi ni Guterres na bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan dahil sa maraming tao na ang namatay dahil sa COVID-19 pandemic.

Samantala, naghahanda naman ang mga European Union members na malapit sa Ukraine tulad ng Poland sa naka-ambang pagdumog ng milyun-milyong refugees.

Facebook Comments