In or Out?

Manila, Philippines – Nilinaw ni incoming BOC Commissioner Isidro Lapeña na hindi nila sisibakin ang mga empleyado at opisyal na dala ni outgoing Commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon kay Lapeña pag-aaralan pa nila kung sisibakin o mananatili sa ahensiya ang mga kawani na dala ni Faeldon kung saan kailangan umano niya ang bagong dugo o new blood na siyang tutugon sa kanyang mga diresyon sa ahensya.

Paliwanag ng bagong Commissioner maraming mga empleyado at opisya sa BOC ang mga magagaling at matitino kukunti lamang umano ang mga tumatanggap ng Tara o Pasalubong sa ahensiya.


Giit ni Lapeña kapag napatunayan at nahuli ang mga nag-iikot at ginagamit ang kanyang pangalan sa pangongolekta ng Tara ayagad na sisibakin pagkatapos ng validation uoang hindi na maka-impluwensiya sa iba pang mga empleyado.

Dagdag pa ni Lapeña na bubuo o lilikha siya ng Counter Intelligence upang magmamanman sa mga kilos ng mga tiwaling empleyado na sumisira sa imahe ng ahensiya.

Facebook Comments