Ina at 3-buwang-gulang niyang anak, nasawi sa rumaragasang truck na may kargang backhoe

1568
CCTV footage from Brgy. Santo Cristo, SJDM Bulacan

SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN – Patay ang isang tindera ng pakwan at tatlong-buwang-gulang niyang habang 12 ang sugatan matapos banggain ng isang truck na may kargang backhoe ang isang residential area sa Quirino Highway, Brgy. Sto. Cristo, Martes ng umaga.

Nagbabantay lamang ng tindahan sina Michelle Ramos, 17, at sanggol na supling nang maganap ang malagim na aksidente.


Sa CCTV footage na ibinahagi ng Bulacan News, makikitang paparating ang isang  rumaragasang truck na biglang lumihis sa linya ng kalsada at napadiretso sa mga kinaroroonan ng biktima.

(BABALA: SENSITIBONG VIDEO)

Nakunan naman ng netizen na si Rodge Camacho ang pagsagip sa mag-inang pumailalim sa truck.

(BABALA: SENSITIBONG VIDEO)

Ayon sa isang saksi, nadinig pa nila ang pag-iyak ng sanggol pero huminto din kinalaunan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan daw ng kontrol ang tsuper na si Eliazar Lumawag sa palusong at pakurbang bahagi ng highway.

Natiketan at nakumpiska rin ang lisensya ng drayber nang salpukin ang ilang signage at bollard sa Tungkong Mangga, ilang oras bago makapatay.

Patong-patong na kaso ang haharapin ng suspek na nasa kostudiya ngayon ng San Jose del Monte Police.

Facebook Comments