2 Pulis na Nahuli sa Pagsasabong at Pangingikil, Inalis na sa Pwesto ng PNP Region 2

125

*Cauayan City, Isabela*- Sinibak na sa pwesto ang dalawang pulis matapos mahuling nangingikil sa tatlong motorista habang nahuli naman na nagsusugal ang isa pang pulis sa Isabela.

 

Kasabay ito ng mahigpit na kampanya ng pambansang pulisya na Internal Cleansing sa kanilang hanay.


 

Ayon kay PLTCOL Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO2, asahan ang patas na imbestigasyon ng pangrehiyong tanggapan ng pulisya matapos ang insidenteng kinasangkutan ng dalawang pulis.

 

 

Naihanda na rin ang kasong administratibo at kriminal laban sa dalawa.
Kung sakaling mapatunayang may pagkakasala ang mga ito ay maaaring matanggal sa serbisyo kasama na ang mga benepisyo sa pagiging miyembro ng PNP.

 

Matatandaang hinuli ng kanyang kapwa pulis si PSMS Fidel Rey Dugayon, 45 taong gulang, may-asawa, miyembro ng Isabela Special Motorcycle and Response Team (ISMART) at residente ng Brgy Centro, Cabatuan, Isabela na nahuli sa pangingikil sa mga nasitang motorista sa isinagawang entrapment operation ng awtoridad at si PSSg. Jovimar Rodriguez na nakatalaga sa Bayombong Police Station, Nueva Vizcaya na nahuli naman sa aktong pagsasabong sa Cauayan City, Isabela.

 

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Police Regional Office No. 2 ang dalawang pulis.

Facebook Comments