Ina na minomolestya ang dalawang anak-timbog sa raid ng NBI sa Gensan

General Santos City—Timbog sa isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI)-SARDO at CSWDO Gensan ang isang ina matapos nakatanggap ng report mula sa DOJ na menomolestya nito ang kanyang dalawang anak.

Ang nasabing ina ay itatago lang sa pangalang Josefa, cashier ng isang resort dito sa Gensan, habang itatago lang ang mga biktima sa pangalang Angel, 4 years old at Angela 7 years.

Base sa report ng NBI SARDO na isang US base NGO na National Center for Missing and Exploited Children ang nagpaabot ng report sa DOJ hinggil sa pangmomolestya umano ng ina sa dalawa nitong anak.


Habang minomolestya kinukunan umano ng suspek ng video at picture ang kanyang ginagawa at pinapadala sa mga costumer nito sa ibang bansa.

Na-recover mula sa bahay ng suspek ang mga cellphone na ginagamit umano nito sa kahalayang ginagawa, at mga resibo ng pera padala. Inamin naman ng ina ang krimen pero pinabulaanan nito na may tinatanggap syang pera mula sa kanyang mga customer.

Sa ngayon nasa kustudiya na ng CSWDO ang dalawang anak ng suspek kasama ng pitong buwan na pamangkin nito.

Facebook Comments