Bagong Pinuno ng Santiago City Police Office, Nanumpa na sa Tungkulin

24

Cauayan City, Isabela- Pormal nang umupo si PCOL. Jiimy Garrido bilang bagong City Director ng Santiago City Police Office (SCPO) kahapon.

Pinangunahan ni PBGen. Angelito Casimiro, PRO2 Regional Director ang turn-over ceremony para sa bagong talagang pinuno ng SCPO na siyang pinalitan ang dating City Director na si PCOL. Juan Aggasid.


Inihayag naman ni RD Casimiro ang kanyang pasasalamat sa outgoing official para sa kanyang magandang ambag na pinuno ng pulisya sa loob ng dalawang (2) taon.

Hinamon naman ni RD Casimiro ang bagong talagang pinuno ng SCPO na pag-ibayuhin pa ang kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho para sa mas kapaki-pakinabang na bagong City Director.

Si PCOL. Aggasid ay maitatalagang bagong pinuno ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD.

Samantala, pinangunahan din ni Casimiro ang turn-over ceremony ng the1st Isabela Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) sa Lungsod ng Ilagan.

Pamumunuan ni PLTCOL. Alvin Mabazza ang PMFC bilang Force Commander.




Facebook Comments