Ina ng magkapatid na Chiong, nais ang ‘shoot-to-kill’ sa mga convict

“Shoot-to-kill”

Ito ang iginiit ng mga magulang ng rape-slay victims na sina Jacqueline at Marijoy Chiong sa mga suspek sa karumal-dumal na krimen noong 1997.

Matatandaang napalaya ang tatlo sa pitong suspek na nasentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).


Ayon kay Ginang Thelma Chiong, ina ng magkapatid, dapat patayin na lamang ang mga convict kaysa sa arestuhin at ipakulong muli ang mga ito.

Iginiit din ni Ginang Chiong na dapat ipinaalam sa kanila ng sinibak na si BuCor Chief Nicanor Faeldon ang pagpapalaya sa mga suspek na pumatay sa kanilang anak.

Nanggagalaiti ang mag-asawang Chiong dahil bahagi ng command responsibility ni Faeldon na hindi palayain ang henious crimes convicts.

Base sa release order na may petsang August 16, ang tatlong convicts na napalaya ay sina Josman Aznar, Ariel Balansag, at Alberto Caño.

Facebook Comments