Ina ng Maute brothers na si Ominta Romato o alyas Farhana, sinampahan na ng reklamong rebelyon

Manila, Philippines – Sinampahan na ng kasong rebelyon ang ina ng Maute brothers na si Ominta Romato o alyas Farhana.

Kasama rin sa sinampahan ng kasong rebelyon si dating MARAWI CITY Mayor Fajad Pre Umpar Salic at sampung iba pa.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, hindi na nila hinarap sa media si Farhana dahil sa banta sa seguridad.


Aniya, hihilingin nila na mailipat kaagad sa metro manila si Farhana na ina ng Maute brothers na sina Omar and Abdullah.

Kailangang aniyang mailipat si Ominta para maiwasan ang tangkang pagliligtas ng mga rebelde rito.

Sinabi ni Aguirre na dahil sa dami ng mga personalidad na kailangang imbestigahan ay kailangang magkaroon din ng mas maraming special courts sa labas ng mindanao.

Kabilang sa mga prosecutors na didinig sa kaso ay mula sa Cagayan de Oro at Manila.

DZXL558

Facebook Comments