Watawat sa lahat ng tanggapan at ahensya sa bansa, ilalagay sa half mast

Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Malakanyang ang paglalagay sa half-mast ng lahat ng watawat ng Pilipinas sa mga tanggapan at ahensiya ng pamahalaan simula ngayong araw.

Ito ay bilang tanda ng pakikisimpatiya sa mga nasawing sundalo at sibilyan sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Ang nasabing direktiba ay tatagal ng halos isang linggo.


Inilagay na rin sa half-mast ang bandila sa lahat ng kampo ng militar sa buong bansa matapos ang isinagawang pagpupugay at pag-alala sa mga nasawing sundalo kasabay ng paggunita ng ‘Araw ng Kalayaan’ kahapon.

DZXL558

Facebook Comments