Ina ng mga anak ng car racer na si Marlon Stockinger, nagsalita na

143

Nagbigay na ng pahayag ang ina ng mga anak diumano ng race car driver na si Marlon Stockinger.

 

Inamin ni Kit Barraquias, isang modelo at fitness enthusiast, na si Marlon ang biological dad ng kanyang 7-year-old twins.

 

Ayon kay Kit, wala na silang komunikasyon ni Marlon at hindi pa rin nakikita ng race car driver ang kanyang kambal na anak.

 

Dagdag pa nito, handa siyang ipa-DNA test ang kanyang kambal kung itanggi man ni Marlon na siya ang ama ng mga ito.

 

Sinabi rin ng modelo na ito ang una at huling pagkakataon na magsasalita siya dahil gusto lang niyang protektahan ang kanyang mga anak.



Facebook Comments