Kampo ni Manny Pacquiao, hindi nababahala sa ibinigay na deadline ni Top Rank Big Boss Bob Arum

Manila, Philippines – Hindi nag-aalala ang kampo ni 8th division World Champion Manny Pacquiao sa ibinigay na deadline ni Top Rank Big Boss Bob Arum.

 

Pahayag ng adviser ni Pacman na si Michael Koncz, hindi sila nagpapadala sa kahit na anong pressure tungkol sa nasabing deadline dahil marami pa ang pwedeng mangyari.

 

Ito ay kaugnay sa darating na laban ni Pacman kay Australian olympian boxer Jeff Horn.

 

Sinabi ni Pacquiao na mas binibigyan niya ng prayoridad ang kanyang tungkulin bilang senador kaysa sa kanyang nalalapit na laban.



Facebook Comments