Ina ng tatlong taong gulang na bata na namatay sa drug operation sa Rizal, nagsampa ng patong patong na kaso sa Ombudsman laban sa 39 pulis

Naghain  ng asunto sa Office of the Ombudsman ang ina ng tatlong taong gulang na bata na si Myca Ulpina na namatay sa isang anti drug operation Sa Rodriguez, Rizal.

 

Kasong murder at obstruction of justice ang isinampa ng complainant na si Tess laban sa 39 na opisyal at police personnel sa tanggapan ng Deputy Ombudsman for Military and Other Law Enforcement Officers.

 

Kabilang sa mga kinasuhan ng murder ay sina Rodriguez Municipal Police Chief PLTC Resty Damaso at Rizal Provincial Intelligence Head PSup Noel Campos.


 

Si Tess ay sinamahan ng kaniyang abogado mula sa National Union of People’s Lawyers at ilang taong simbahan.

 

Kasong obstruction of justice ang isinampa laban sa mga pulis mula sa Rodriguez PNP, SOCO Region 4A at  PNP Internal Affairs Service 4A dahil sa pagpapalabas na ginamit na human shield ng kaniyang ama si Myca.

 

Maliban sa kasong kriminal kinasuhan din ang mga ito ng gross misconduct, grave abuse of authority at conduct unbecoming of public officials.

Facebook Comments