Ina ni Bea Alonzo, umaasang hindi babaero ang mapangasawa ng anak

108

‘Huwag babaero please”

Ganito ang naging pakiusap ng nanay ng aktres na si Bea Alonzo na si Mary Ann Ranollo sa susunod nitong magiging boyfriend.


Sa isang vlog, masayang nilaro ni Bea at ng kanyang ina ang ‘jojowain o totropahin’ challenge kung saan binanggit ng aktres ang ilang pangalan ng famous male celebrity.

Sa huli, ang tanging hiling lamang ng ina ni Bea na sana ay makatagpo ito ng mabait at hindi babaerong mapapangasawa.

Pabiro rin itong humiling ng apat na apo sa aktres.

Facebook Comments