Manila, Philippines – Inaasahang bababa ang inflation rate sa bansa.
Ito ay sa oras na maisabatas ng kongreso ang rice tarrification bill na isinusulong ng pamahalaan.
Kaugnay nito, itinaas na rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang policy interest rates o ang interes na ipinapataw sa mga pautang sa bangko.
Sabi ni BSP Governor Nestor Espenilla, batay sa desisyon ng monetary board magiging 50 basis points na mula sa 4.0 percent.
Kabilang na rin dito ang interest rate sa overnight lending and deposit facilities.
Layunin nito na makontrol ang mabilis na inflation ng bansa.
Facebook Comments