Manila, Philippines – Inaasahan ng Palasyo ng Malacañang na gagawin ni Health Secretary Francisco Duque III ang tama para mapanagot ang mga opisyal ng Pamahalaan o mga indibidwal na sangkot sa isiniwalat nitong anomalya sa pagpapatayo ng mga barangay health stations.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, inaasahan nila na kukumpletuhin ni Duque ang mga dokumento sa kaso at ibigay ito sa mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaan tulad ng Sandiganbayan, o maaari din sa Office of the Ombudsman.
Binigyang diin ni Roque na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa katiwalian sa gobyerno.
Matatandaan na humigit kumulang 8 bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa pagtatayo ng mga barangay health stations sa ibat-ibang lugar sa bansa kung saan sinabi ni Duque na tiyak na mayroong maparurusahan sa anomalyang ito.