Manila, Philippines – Ipinapaubaya na lamang kay pangulong Rodrigo Duterte ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines ang isang katanggap-tanggap na wage increase sa pinal na board meeting ngayong araw ng Regional Tripartite Productivity and Wages Board-National Capital Region.
Binawi na ng ECOP ang P20 na kayang ibigay sana nila na dagdag pasahod sa mga manggagawa.
Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, maiiwasan na ang nakaugalian na ang dinodominahan ng mga government at employers sector ang pagdedesisyon sa ibababang board wage.
Malimit ay nagkukutsabahan ang mga ito para manaig ang mas mababang wage increase na pabor sa interest ng malalakinh negosyante.
Upang naiwasan ito, gusto ng ALU-TUCP na manghimasok na ang pangulo at itulak na mismo ang isinusulong nila na P344 wage hike petition.