Inaasahan na ng Philippine National Police na magiging target na ngayon ng ISIS terrorist Group ang isla ng Boracay.
Kasunod ito ng muling pagbubukas ngayong araw ng Boracay Island para sa mga turista matapos ang anim na buwang rehabilitasyon.
Ayon kay Western Visayas Regional Director, Chief Superintendent John Bulalacao, sa pagdasa ng mga turista sa Boracay island, mas maraming magiging aktbidad ang mga tao sa isla at inaasahan na rin nila ang pagtaas ng krimen.
At ang mas malala pa aniya ay maaring maging attractive area ito para sa mga terrorist group.
Sinabi ni Bulalacao ayaw nilang magdulot ng takot sa mga nagbabakasyon sa Boracay island, paraan aniya nila ito para laging handa sa posibleng terrorist attack.
Sa ngayon aniya bilang paghahanda, dinoble nila ang mga pulis na magbabantay sa isla, mula sa dating 200 tourist police at ginawa nila itong mahigit 400 tourist police para magbantay sa isla.