INALMAHAN | Pahayag ng Malacañang na magtiis sa taas pasahe, pinalagan ng ilang kongresista

Manila, Philippines – Umalma si Kabataan Party list Rep. Sarah Elago sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tigilan na ng publiko ang reklamo at magtiis sa dulot ng taas pasahe.

Ayon kay Elago, pinapatunayan lamang ng sinabi ni Panelo kung gaano kamanhid at kalayo ang Duterte administration na resolbahin ang paghihirap ng mga Pilipino.

Masyado aniyang minanaliit ng gobyerno ang P10 fare increase sa jeepney gayong bawat sentimo ay malaki ang nagiging epekto sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan.


Kinalampag ni Elago ang pamahalaan na tigilan na ang pagtakip sa mga isyu tulad ng estabilization plot at ang paglala ng epekto ng ipinasa nilang TRAIN law at sa halip ay harapin na ang krisis na nararanasan ng bansa.

Facebook Comments