Nagpulong ang mga kinatawan mula sa Office of the Presidential Protocol, Senado at Kamara kaugnay sa mga paghahanda para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa July 24, 2023 sa Batasang Pambansa.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, inaasahan na mas maraming bisita ang dadalo sa ikalawang SONA ng pangulo ngunit limitado lamang ang espasyo sa plenary hall.
Sabi ni Velasco, dahil dito ay inaprubahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagdaragdag ng mga kwarto o lugar sa loob ng Batasan Complex para mapwestuhan ng maraming bisita.
Samantala, kinumpirma naman ng Office of the Secretary General na ang SONA ay ila-livestream, para sa mga hindi makakapanood nang personal.
Facebook Comments