Manila, Philippines – Pinaplansta na ng pulisya ang security at operation plan na kanilang ipatutupad, sakaling magpalabas ng warrant of arrest ang Makati RTC branch 148, matapos ang gagawin nitong pagdinig sa Oct 5, kaugnay sa kasong kudeta na kinahaharap ni Sen Antonio Trillanes IV, dahil sa Oakwood Mutiny noong 2003.
Ngayong araw, sa pangunguna ni Makati Police Chief Police Senior Superintendent Rogelio Simon, nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan nila ng Southern Police District, na pinamunuan naman ni PSSUPT Joel Pernito, Deputy District Director for Operations.
Sa nasabing pagpupulong, pinagusapan ang stratehiyang ipatutupad na may kinalaman sa seguridad, at ang pagiging handa ng mga police sakaling magpalabas ng arrest warrant ang korte.
Matatandaang, noong Biyernes naglabas ng resolusyon si Judge Bartolome Soriano ng Makati RTC branch 148, kung saan ipinagpapaliban muna ang paglalabas ng desisyon kung magbababa ng Arrest Warrant at Hold Departure Order laban kay Sen. Trillanes, kasabay ng pagtatakda ng Oct. 5 para sa pagdinig sa kaso ng Senador.