Inabandonang Sako-sakong Marijuana, Narekober sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga awtoridad ang dalawang kahina-hinalang sako na kulay dilaw habang nag-eehersisyo ang mga ito sa kahabaan ng Quezon Boulevard o Botanical Park kaninang alas-otso umaga sa Barangay Santos, Quezon, Isabela

Una rito, inireport ni Sangguniang Bayan Member Armando Lacambra sa pulisya ang pagkakadiskubre sa nasabing sako na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Agad naman na bineripika ng mga operatiba ang nasabing sako na naglalaman ng 42 kilos ng drid marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P5,000,000.


Inaalam naman ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pag-aabandona sa nasabing sako na ngayon ay nasa pangangalaga ng Quezon Police Station para sa gagawing disposisyon.

Facebook Comments