Gobyerno, dapat tiyakin na lahat, lalo na ang mga mahihirap ay makakasunod sa polisiya ukol sa pagsusuot ng face mask

Hinimok ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na mas higpitan ang polisiya kaugnay sa pagsusuot ng face mask.

Ipinaliwanag ni Go na base sa mga pag-aaral ng mga expert, ang pagsusuot ng face mask ay nakakabawas ng malaki sa peligro ng pagkahawa ng COVID-19.

Kaugnay nito, ay plano ni Go na hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na tingnan kung kaya ng gobyerno ang pagbibigay ng libreng face mask sa mga mahihirap.


Ayon kay Go, maaaring gamitin ng pamahalaan ang mga available na resources para makapag- suplay ng libreng face mask sa mga maralitang walang pambili nito.

Kinumpirma ni Go, ang libreng face mask ay isusulong niya na maipagkaloob sa panukalang Bayanihan to Recover as One or Bayanihan 2 na kanilang tatalakayin sa muling pagbubukas ng session.

Facebook Comments