Inabandonang smuggled na sigarilyo, nakumpiska ng PCG

PHOTO COURTESY: PHILIPPINE COST GUARD

Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang kahon na inabandonang “smuggled” na sigarilyo sa isang pampasaherong barko mula sa Port of Siasi, Sulu.

Ang nasabing iligal na kargamento ay tinatayang nagkakahalaga ng humigit P210,000.

Nabatid na nakita ng mga tauhan ng PCG ang naturang kargamento habang ininspeksyon ang mga inabandonang bagahe sakay ng MV Ever Queen of the Pacific na bumibiyahe mula Port of Siasi papuntang Port of Zamboanga.


Nakita ang mga smuggle na sigarilyo na nakasilid sa 10 kahon at anim na bag kung saan nasa 300 ream ng sigarilyo ang laman nito.

Agad kinumpiska ng PCG ang mga smuggled na sigarilyo saka i-turnover sa Bureau of Customs (BOC) at kasalukuyan na rin inaalam kung sino ang ang mga suspek sa likod ng pagpuslit nito.

Facebook Comments