Dr. Eric Tayag, itinalagang bagong undersecretary ng DOH

Itinalaga si Dr. Eric Tayag bilang undersecretary ng Department of Health o DOH sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ito ay kinumpirma ni Tayag sa isang panayam kung saan may paglilinaw siya sa ilang kumakalat sa social media na siya ang itinalagang kalihim ng DOH.

Aniya, hindi siya ang bagong kalihim ng DOH kun’di undersecretary at nakatakda sa susunod na linggo ang kaniyang “oath of office.”


Si Tayag ay matagal na rin nagsisilbi sa DOH kung saan naging director siya ng Knowledge Management and Information Technology at Assistant Secretary ng nabanggit na kagawaran.

Matatandaan din na nakilala siya sa pagiging “Dancing Assistant Secretary” o pagsasayaw para mapalakas ang iba’t ibang kampanya ng health department.

Wala pa naman tugon si DOH Officer-in-Charge (OIC) Usec. Ma. Rosario Vergeire hinggil sa pagkaka-appoint kay Tayag.

Facebook Comments