INABSWELTO | Comm. Lapeña, walang kinalaman sa drug smuggling

Manila, Philippines – Inabswelto ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Gordon si dating Customs Commissioner at ngayon ay TESDA Secretary Isidro Lapeña sa paglusot sa Bureau of Customs (BOC) ng P11 billion na shabu.

Bunsod nito ay tiniyak ni Senator Gordon na sa gagawin niyang committee report ay hindi niya irerekomenda na sampahan ng kasong kriminal si Lapeña.

Paliwanag ni Gordon, maaring nagkaroon ng kapabayaan si Lapeña pero walang ebidensya na mag-uugnay sa kanya sa mga sangkot sa drug smuggling.


Si Lapeña ang pinuno ng customs ng makalusot ang shabu na nasabat sa pantalan ng Maynila noong Agosto at mga magnetic lifters na pinaniwalaang pinaglagyan din ng shabu sa isang bodega sa GMA, Cavite.

Ayon kay Gordon, kabilang sa irerekomenda niyang kasuhan ay sina dating Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Deputy Chief Ismael Fajardo, dating Police Colonel Eduardo Acierto at dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.

Gayundin ang consignee ng magnetic lifters na SMYD Trading na pagmamay-ari ni Marina Signapan.

Facebook Comments