Sa Bicol ang magiging aktibidad ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakatakda kasing pangunahan ng pangulo ang inagurasyon ng Bicol International Airport sa Alobo, Village, Daraga Albay.
Kapag nabuksan ito, inaasahang kayang makapag-accommodate ng nasabing paliparan ng 3,000 pasahero sa kada araw kung ikukumpara sa 600 mga pasahero lamang ng Legazpi Domestic Airport.
Sa sandaling namang mag-fully operational na, 2 milyon kada taon ang inaasahang mapagseserbisyuhan ng nabanggit na Bicol International Airport.
Kilalang tourist attractions sa Bicol ay ang Mayon Volcano, Calaguas Island, Caramoan Island, Cagsawa Ruins, Daraga Church, Donsol at marami pang iba.
Facebook Comments