INAGURASYON SA DONASYONG BAGONG PRESINTO NG ROSALES PNP, ISINAGAWA; MGA BAGONG PATROL CAR, ITINURN-OVER

Matagumpay na isinagawa ang seremonya ng pag-turnover, blessing at inagurasyon sa donasyon ng bagong presinto at bagong mga patrol car ng Rosales PNP sa Brgy. Guilig, bayan ng Rosales.
Ang naturang pasilidad at mga sasakyan ay mula sa donasyon ng lokal na pamahalaan ng Rosales dahil layunin ng proyektong ito upang pahusayin pa ang mobility at efficiency ng Rosales Police Station sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa loob ng kanilang munisipalidad.
Samantala, ang donasyong mga Police patrol vehicles at motorsiklo ay mahahalagang asset para sa Rosales PS, na magbibigay-daan sa kanila sa mabilis na pagtugon sa mga emergency, pagsasagawa ng mga patrolling at upang mabilis na mahuli ang mga suspek.

Gayundin, ang donasyon ng isang bagong tatag na Police Community Precinct ay nagpapatibay sa presensya at kakayahan ng pagpapatupad ng batas sa komunidad. Pinapayagan nito ang PNP na magtatag ng pisikal na presensya sa komunidad at pagbutihin pa ang kakayahang tumugon sa mga emergency at peace and order.
Pinangunahan ang naturang seremonya ng mga kawani ng Pangasinan Police Provincial Office sa pangunguna ni Director PCol. Jeff Fanged, ilang opisyales at alkalde ng LGU Rosales na si Mayor William Cesar, Rosales PNP at marami pang iba.
Nagpapasalamat naman ang hanay ng PNP Rosales sa kanilang natanggap na mga bagong assets na magagamit sa kanilang trabaho. |ifmnews
Facebook Comments