Inagurasyon sa mga Proyekto sa 7th Cityhood ng Ilagan, Isasagawa!

*Cauayan City, Isabela- *Bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-pitong Cityhood o pagkatatag na ganap na siyudad ang Ilagan ay nakatakdang isagawa ang inagurasyon sa mga proyektong imprastraktura sa ibat-ibang barangay sa naturang Lungsod.

Sa panayam ng 98.5IFM Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Jayvee Diaz magkakaroon ng inagurasyon sa mga Multi-Purpose Hall at parks sa Barangay Fuyo, Sta Catalina, Villa Imelda, Agta Community, Cabisera 25 at Bintacan Bridge sa Bintacan bilang bahagi sa aktibidades ng 7th Cityhood of Ilagan.

Sa naturang inagurasyon ay papangunahan ito ni Mayor Jay Diaz at panauhing pandangal si Isabela Gov. Rodito Albano bilang bahagi sa ikalawang araw na selebrasyon sa pagkatatag at ganap na siyudad ng Ilagan.


Ayon pa kay SP Diaz, ito ay kakaiba at prestiyosong selebrasyon bilang pagbalik-tanaw sa mga kaugalian at tradisyon ng mga Ilagueño na gustong ipamulat sa mga kabataan.

Bukod dito, nagmistulang sinehan sa unang araw ng naturang selebrasyon sa Community Center dahil sa ginaganap na film festival.

Ngayong araw naman ng sabado, Agosto 10, 2019 ay huling araw na ipapamalas ng mga Ilagueño ang kanilang husay sa larangan ng pag-arte sa likod ng camera upang ipakita ang kahalagahan ng kanilang kultura at tradisyon.

Habang sa huling araw ng selebrasyon bukas, Agosto 11, 2019 ay masasaksihan ang pinaka-inaabangan na motocross at JLD Cheerdance Competition.

Facebook Comments