Sunday, April 5, 2026

‎𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗜𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗥𝗦𝗘, 𝗙𝗜𝗡𝗜𝗦𝗛𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗛𝗬𝗥𝗢𝗫 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗙𝗜𝗧𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗥𝗔𝗖𝗘 ‎

‎Cauayan City – Ikinagagalak ng lalawigan ng Isabela ang tagumpay ng tubong San Mariano na si Jerald Timbreza Corpuz matapos niyang makumpleto ang The World Fitness Race – HYROX 2026 na ginanap sa Mandalay Bay Convention Center sa Las Vegas, Nevada.

‎Naitala niya ang oras na 1:38:06 laban sa libo-libong kalahok mula sa iba’t ibang bansa.

‎Ang HYROX ay isang pandaigdigang fitness competition na pinagsasama ang pagtakbo at iba’t ibang functional workout stations. Kilala ito bilang “World Series of Fitness” dahil sa matinding pagsubok nito sa lakas, tibay ng katawan, at endurance ng mga atleta.

‎Bukod sa pagiging atleta, si Corpuz ay isang registered nurse sa Pilipinas, Saudi Arabia, at Estados Unidos. Nagsimula lamang ang kanyang fitness journey noong Disyembre 2023 ngunit agad niyang napatunayan ang kanyang kakayahan sa international fitness racing event.

‎Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang ICU nurse sa California Pacific Medical Center – Van Ness Campus sa Estados Unidos.

Photo credit: Jerald Timbreza Corpuz

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments