INAGURASYON SA MGA SOLAR STREET LIGHTS ISINAGAWA SA ANGALACAN RIVER SA MANGALDAN; DILG SECRETARY DUMALO RIN

Matagumpay na isinagawa sa bayan ng Mangaldan ang inagurasyon sa mga Solar Street Light sa bayan.
Partikular na isinagawa ang inagurasyon sa bahagi ng Angalacan River Eco-Tourism Road sa bayan nagmula ang naturang street lights sa napanalunan ng bayan sa Seal of Good Local Governance (SGLG) bilang Incentive funds ng DILG na nagkakahalaga ng P5-milyon.
Kabuuang isandaan at labinlimang Solar Panels ang inilagay sa naturang parke.

Samantala, dinaluhan naman ang inagurasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary na si Benjamin β€œBenhur” Abalos Jr. at siya ang nagsilbing panauhing pandangal.
Layon naman ng proyektong ito ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan na bigyan ng liwanag ang daanang bahagi ng ilog para mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga motorista, mga turista maging ang mga residente sa lugar. |ifmnews
Facebook Comments