HIGIT PITUMPONG BARANGAY SA BAYAMBANG, SABAYANG NAGSAGAWA NG ISANG CLEAN UP DRIVE

Sama sama ang nasa pitumput pitong mga barangay sa bayan ng Bayambang na nagsagawa ng isang clean up drive bilang pakikiisa sa clean up drive nationwide.
Ang pagsasagawa ng paglilinis na ito ng mga barangay na nakilahok ay sa ilalim ng DILG Memorandum Circular No. 2023-133 kung saan tulong tulong ang mga barangay para sa kalinisan ng kanilang nasasakupan.
Ginalugad ang kasulok sulukan na mga eskinita sa bawat Barangay upang linisin at tanggalin ang mga basurang nakakalat at nakatiwangwang lamang sa kakalsadahan.

Samantala, katulong naman ang mga government employees at NGOs sa pagsasagawa ng naturang aktibidad. |ifmnews
Facebook Comments