Marawi City – Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa maling pagtugon sa giyera sa Marawi City.
Ito ay kasabay ng paggunita ng unang anibersaryo ng giyera ngayong araw.
Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Philippine Navy kahapon, sinabi ni Duterte na masakit na may mga nasawi sa giyera.
Aniya, mag-iiwan ito ng marka sa kanyang kasaysayan bilang Pangulo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mayroong plano si Pangulong Duterte na bisitahin ang lungsod ngayong araw.
Dagdag naman ni Special Assistant to the President Bong Go, tutungo ang Pangulo sa araw kung saan idineklarang malaya ang lungsod mula sa mga kamay ng Maute-Terror Group.
Facebook Comments