RENOVATION | Emergency room ng PGH, pansamantalang isasara sa June 1

Manila, Philippines – Pansamantalang isasara muna ng Philippine General Hospital (PGH) ang kanilang Emergency Room (ER) simula Hunyo 1, Biyernes dahil sa gagawing renovation dito.

Ayon sa PGH, halos 10 taon na rin mula noong huli itong isinaayos kaya at kailangan na ang renovation para matiyak ang maayos na serbisyo publiko.

Tinatayang magtatagal ng apat hanggang walong buwan ang renovation pero pwede pa rin namang tumanggap ng emergency cases ang PGH.


Subalit mas maliit na kuwarto ang gagamitin kaya at nag-abiso na ang ospital sa mga pasyente na maghanap ng ibang pagamutan kung hindi naman sobrang emergency ang lagay.

Facebook Comments